Paano ko namimiss ang Pangga Ko
by: Honey on July 5, 2009
Kapag humarap ako sa salamin, ndi ko sya katabi
Kapag walang kumakandong sa makikisig kong mga hita
Kapag nakikita ko ang puting buhok at walang nagsasabi ng "Down boy"
Kapag hihiga na ko at walang mangungulit na gustong magpayakap
Kapag hihiga na ko at walang paa na tumatanday sa kin
Kapag walang sumiksik sa kilikili ko
Kapag wala akong pinapanuod matulog
Kapag wala akong niyayakap kapag maingay ang mga ngipin o kaya
nagsasalita at tumatawa habang natutulog
Kapag wala akong kaagaw sa remote control ng tv
Kapag wala akong katabing ingross manuod ng teleserye sa channel 2
tulad ng santino, may bukas pa, at binggo
Kapag walang yumayakap sa kin kapag nakikita akong malungkot o
problemado
Kapag walang nangnanakaw ng halik, namamalo ng wetpaks minsan pa nga
ay nanunundot
Kapag wala akong kasayaw sa mga music kahit walang choreography na
maayos
Kapag walang special guest habang kumakanta ako kahit wala sa tono
Kapag kumakain ako at wala akong nahahawakan na hita
Kapag pumapasok ako sa bahay at wala akong queen na nakikita
at marami pa...
isa lang ba ang meaning nito na sobra ko ng miss pangga ko?
Eto ay malaking OO.
I Love You Ga. :-*:-*:-*